Family Time – pag-eehersisyo at pamilya

pag eehersisyo paglalakad

Ang ehersisyo ay hindi lamang para sa mga matataba upang pumayat, ito ay kinakailangan ng lahat ng tao upang panatilihing malusog at malakas ang mga muscle sa katawan. Kung iniisip mo na wala ka ng panahon upang mag ehersisyo dahil sa trabaho nagkakamali ka.

Maraming uri ang pag-eehersisyo at ang paglalakad ang pinakamadaling uri nito. Ang paglalakad ng ilang minute ay hindi lamang nakakapagbawas ng kaloriya at timbang, ito rin ay nakakatulong sa kalusugan ng iyong puso. Ang paglalakad ng 30 minuto araw-araw ay nakakatulong sa pagikot ng dugo sa katawan, ibig sabihin mas nagiging madali ang paghatid ng nutrients na kasama ng dugo sa buong katawan. Ang puso naman ay natutotong magtrabaho ng mabilisan at matagalan, makakaya na nito magtrabaho na hindi na kakaramdam ng pananakit at pagod. Ang paglalakad ay nagbibigay sigla sa buong araw, kaya kahit gaano pa kahirap ang problemang mararanas mo ay magiging madaling nalamang sayo .

Sino ang may sabi na wala silang oras upang maglakad? Lahat ng tao pwedeng makapaglakad ng 30 minuto araw-araw kung susundi ang pag payong ito:

 

  • Sa tuwing papasok sa opisina o pupunta sa mall iparada ang sasakyan ng mas malayo sa pasukan.
  • Kapag aakyat, gumamit ng hagdanan kaysa sa sumakay sa elevator at escalator.
  • Kung ang bahay ninyo naman ay hindi kalayuan  huwag kanang sumakay ng traysikel maglakad ka nalang.
  • Mamasyal kasama ang aso, makakatulong ito ng maiwasan ang pagiging bored nila.
  • Gawing bisyo ang pagwiwindow shopping, nasasayahan kana sa nakikita mo habang hindi mo namamalayang ikaw ay nag-eehersisyo.
  •  Huwag ng ipagawa sa katulong ang pamamalengke kung kaya mo naman itong gawin.

 

Ito ay ilan lamang sa mga paraan upang ikaw ay makapaglaka-lakad na hindi mo namamalayang nag-eehersisyo ka na pala. Maliban sa paglalakad may mga ehesisyo na nakakapagpatibay ng kalusugan at relasyon sa pamilya, ito ay ang pagbibigay ng panahon sa kanila.  Bigyang pansin ang hilig ng mga kabataan ng maging malayo sila sa masamang bisyo, ito ay ang:

 

  • Paglangoy kasama ang buong pamilya
  • Pagpunta sa adventure park
  • Pagbibisiklita
  • pag-akyat ng bundok
  • Paglalaro ng fresbie
  • pag-iiskating at atbp.

Sa ganitong paraan nagkakapag-ehersisyo ka na kasama ang mga anak mo, nakakapagbawas ka na ng timbang, at makatipid ka pa sa gastos sa pagpasok sa gym. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga masayang gawain na nakakalimutan natin dahil sa sobrang busy o kaya naman dahil sa katamaran. Kung nais mong mabuhay ng mas matagal huwag pagurin ang sarili sa trabaho, mag-ehersisyo kasama ang pamilya mo.