Ang pinakamadaling paraan sa pagtanggal ng bilbil sa tiyan para sa mga Babae

Ang pinakamadaling paraan sa pagtanggal ng bilbil sa tiyan para sa mga Babae ay ang tamang diyeta at maayos na ehersisyo na makatutulong sa pagbawas ng timbang. Dahil ang taba ay naiipon sa tiyan at ito rin ang huling parte ng katawan kung saan mahirap tanggalin .Kahit na ang mga babaeng  payat ngunit may mga bilbil sa tiyan ay  nako-conscious din pag nagsusuot ng Bikini.

Walang isang siguradong ehersisyo na makakapagtanggal ng bilbil sa tiyan kung ang iyong timbang ay sobra ng 20 pounds. Sit ups at Crunches ay nakatutulong sa pagpapalakas ng kalamnan, pero hindi rin ito nakapagbabawas ng taba. Ang maganda at nag iisang paraan sa pagtanggal ng bilbil sa tiyan ay ang pagkain ng kaunting Calories kaysa sa iyong tinutunaw na pagkain.

Kaya, ang pinakamagandang solusyon para matanggal ang bilbil sa tiyan ay ang pagkakaroon ng malusog at masustansiyang  pagkain. Ito ay planong gagawin habambuhay at hindi libangan lamang. Kung taas-baba ang iyong timbang,mapapansin mo na mayroon kang problema  sa tiyan dahil nagbabawas ka ng timbang sa ibang parte ng katawan ngunit ito naman ay napupunta sa iyong tiyan. Kaya ang susi sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan ay ang pagkakaroon ng permanenteng diyeta.

Ikaw ay bumubuo ng isang magandang pamumuhay hindi sa isang pansamantalang diyeta.

Ang iyong diyeta ay kailangang laging bantayan hindi lamang sa mga bilang ng Calories na iyong nakakain kundi pati narin ang mga uri nito. Kailangan mong kumain o makakonsumo ng isang gramo ng Protina araw-araw sa bawat pound ng iyong bigat. Kailangan mo rin ng kaunting taba para sa iyong diyeta. Ang diyeta na 30:20:50 sa ratio ng protina: taba: carbohydrates ay gumagawa ng isang malaking kahulugan para sa isang sobrang bigat na babae na gustong mawala ng mabilisan ang kanyang bilbil sa tiyan. Mantika na nanggagaling sa isda ay isa sa magandang uri ng taba na nakatutulong para sa isang taong gumagawa ng ganitong uri ng diyeta.

Ang susunod ay ang pag e-Ehersisyo. Ang pinakamadaling paraan upang matanggal ang iyong bilbil sa tiyan ay ang pagbubuhat ng mga pabigat at ang cardio ehersisyo. Ayon sa pag-aaral, ang babaeng sobra sa timbang na gumagawa  ng  lakas at cardio ehersisyo  tatlo o apat na beses sa isang linggo ay mas makabuluhang nagbabawas ng bilbil sa tiyan kesa sa mga babaeng nag e-Aerobics.

Ang pinakamahusay na paraan upang gawin ang Ehersisyo ng Aerobic ay ang mataas na pagitan ng pagsasanay. Ito ay kung saan dalawang minuto mong gagawin ang aktibidad sa pinaka-matinding antas at susundan mo ng tatlong minuto na nasa katamtamang antas ng aktibidad , paulit-ulit.

Siguradong gusto mong masundan at subaybayan ang bawat  progreso sa iyong katawan. Hindi lamang nahihikayat kang makita na lumiliit ang iyong tiyan,kundi madali mong maitatama kung sakali mang tataba ka muli. Mas makabubuti ring sukatin mo ang iyong Katawang-taba bawat dalawang linggo.

Ang pinakamabisang paraan upang madaling mawala ang bilbil sa tiyan ay ang pagkakaron ng masustansiya at malusog na paraan sa pagpili ng pagkain. Ang pagbabawas mo ng timbang ay siya ring dahilan ng pagtanggal ng mga bilbil mo sa .

Ang pinakamabilis na paraan upang mawala ang bilbil sa tiyan ay upang bumuo ng magandang gawi ng pamumuhay. Sa sandaling mabawasan ang bigat, ang iyong bilbil sa tiyan ay mawawala.

Share Button