Gamot at Bariatric Surgery – Mga Paraan ng Pagpapapayat

Paraan ng Pagpapapayat

May tatlong paraan ng pagpapapayat ito ay ang pagdyedyeta, paginum ng gamut at operation. Ang pagdyedyeta ang madalas nating naririnig dahil ito ang pinakamurang paraan ngunit pinakamahirap gawin. Sa atikulong ito tatalakayin natin ang ibang paraan.

Paginum ng gamot o weight loss pills

May dalawang gamot na napatunayang ligtas gamit sa pagpapapayat ito ay ang xenical at miridian. Ang orlistat (xenical) ay tumotulong upang mabawasan ng 30% ang kinakaing taba, ibigsabahin baba ang kaloriyang mula sa taba sa pamamagitan ng pagpigil sa pancreas ng pag bigay ng enzyme na kailangan upang madigest ang taba. Ang sibutramine (miridia) naman ay ginagamit upang bawasan ang kinakain. Inuutusan nito ang utak upang mabawasan ang gana sa pagkain. Liban sa dalawang gamot na ito ay wala ng ibang pang napatunayang ligtas at epektibo.

Bariatric Surgery

Ang bariatric surgery o operasyon para sa mga matataba ay ang pinakahuling solusyon na sinasagawa lamang sa mga obese 3 upang iligtas ang kanilang buhay sa mga sakit na kaimbat ng katabaan. May dalawa itong uri ang gastric stapling at stomach banding. Sa gastric stapling tinatahi ang tiyan (stomach) upang ito ay lumiit ng kumunti na lamang ang pagkaing makakapasok dito, ibig saibihin agad na mabubusog ang patienting dumaan sa opersyon na ito. Lahat ng patiente ay agad na pumapayat at napapanatiling mababa ang kanilang timbang ng mahabang panahon. Kahit na ito ay epektibo kukunti lamang ang pinapayagang sumailalim nito dahil sa mga komplekasyo na maari nitong idulot. Ang stomach banding ay ang pagtali sa tiyan upang ito ay lumiit ngunit hindi kasing liit na tulad ng sa gastric stapling. Tulad ng gastric stapling ito ay tumutulong upang kumunti ang pagkaing makakapasok sa tyan upang agad na mabubusog ang pasyente. Ang mga kumplekasyo na maaring idulot ng dalawang ito ay kukunti lamang kung ikukumpara sa mga binipisyong matatamo ng pasyente lalo na kung ang kanyang katabaan ang nagdudulot ng mga tulad ng diabetes at sakit sa puso. kung kaya ay bago isinasagawa ang operasyon tinitimbang muna ng mga doktor at pasyente ang mga nakaimbak na panganib at mga benepisyong matatamo ng pasyente.

Ang mga nabanggit ay mga paraan upang pumayat kung ang pagdyedyeta at pageehersisyo ay hindi tumalab sa pasyente. Bago gumawa ng aksyon mas makabubuting kumonsulta muna sa doctor ng maiwas ang komplikasyo na makakasira sa katawan mo. laging iisipin hindi lahat ng gamot na iibinibinta ay ligtas at hindi lahat ng tao ay may pare-pareho reaksyon sa gamot kya dapat komonsulta muna sa doktor.

Share Button