Mga Sakit sa Puso – Mga Paraan upang Maiwasan ang Sobrang Cholesterol

Ang cholesterol ang siyang pangunahing sanhi ng sakit sa puso, ito ay namumuo sa mga ugat na nagdudulot ng pagbara. Ang baradong ugat ay mahihirapang magsupply ng dugo sa katawan, ang mahinang pagdaluy ng dugo sa ugat ang siyang dahilan ng altapresyon habang ang bahagi ng katawan na hindi nakakatangap ng nutrients mula sa dugo ng tama sa oras ay manghihina o kaya naman ay mamatay, ang senaryong ito ang nagyayari sa stroke at heart attack.

Mula sa bituka, ang tabang kinain ay dadalhin sa lymphatic system at ilalabas ng thoracic duct malapit sa puso, ibig sabihin kung ang pagkaing kinakain ay mataas sa taba at cholesterol ito ay may malaking posibilidad na bumara sa puso at kalapit nitong ugat.

Maraming uri ng taba, ang saturated tulad ng butter, at unsaturated tulad ng Vegetable oil, Trans fat na produkto ng unsaturated na ginawang saturated tulad ng margarine at cholesterol na makikita sa dilaw ng itlog. Ang saturated fat, trans fat at cholesterol ay ang mga dahilan ng pagtaas ng LDL o masamang cholesterol sa katawan kung kaya ito ay dapat iwasan, habang ang unsaturated fat naman ang siyang nagpapababa ng cholesterol sa katawan.

Upang maiwasan ang sobrang cholesterol ito ang mga dapat mong gawin:

 

  • Fat and oil section- bumili ng mantika na gawa sa sa gulay tulad canola oil, mas makakabuti na basahin ang pakete.
  • Fat replacers- may mga pagkain na ginamitan ng fat replacer tulad ng olestra, ang olestra ay hindi inaabsorb ng katawan ngunit maari nitong mailabas ang mga bitamina tulad ng bitamina A kaya dapat gamitin ng pakunti-kunti lang, basahin ang ingredients sa likod ng pakete.
  • Grains – bumili ng pagkain tulad whole wheat at oatmeal, tulad ng prutas at gulay ito ay mataas sa fiber.
  • Meat Section – Pumili ng karneng walang taba at tangalin ang balat ng manok, o kaya naman gumamit ng protina mula sa soy.
  • Milk and milk products – pumili ng gatas at keso na mababa sa taba tulad ng low fat o kaya naman ay fat free, basahin ang Food Label sa likod ng bawat pakete.
  • Processed foods – basahin ang Food Label sa likod ng pakete, piliin ang pagkaing may 0-5% total fat at cholesterol.
  • Produce – bumili ng mga prutas at gulay na mataas sa fiber, ito ay nakakatulong na mailabas ang cholesterol sa katawan.

 

Sa pamamagitan ng mga nabangit mababawasan ang cholesterol sa katawan at maiiwasan ang mga . Pakatatandaan, ang taba ang siyang nagdadala ng bitamina A, D, E at K, kaya hindi makakabuti kung hindi kakain ng pagkaing may taba, kailangan lamang na kontrolin ang pagkain nito ng hindi ito sumobra sa kinakailangan ng iyong katawan.