Top 7 Pagkakamali sa Pagdiyediyeta

Pagkakamali sa Diyeta

Dahil sa kagustohang agad pumayat, marami ang naniwala at sumobok sa mga diyetang hindi tama naimbes makatulong sa pagpapapayat ay lalong pang nagpalala ng problema.

1. Crash Diet

Ang hindi pagkain o ang pag-gutom sa sarili sa paniniwalang papayat dahil ginagamit ng katawan ang tabang naimbak ay hindi nakakatulong sa pagbabawas ng timbang. Ang uri ng diyetang ito ay maaring makashock sa utak at katawan kaya madalas nagiging mainit ang ulo, parating wala sa mode, o kaya naman ay parating matamlay ang pangangatawan. Sa kasamaang palad ang hindi pagkain ay maaring magdulot ng pagbaba ng metabolismo ng katawan kung kaya ay hindi parin papayat kahit kukunti nalang ang kinakain mo. Upang ito ay maiwasan, huwag magdiyeta ng mas mababa pa sa 1200 kaloriya araw-araw, ang 1200 kaloriya ay sapat lamang para sa pang araw-araw na proseso sa loob ng katawan.

 2. Hindi pagkain ng almusal

Ang almusal ay ang pinakamahalagang kainan sa buong araw, kapag hindi nakapag almusal asahang hindi ka makakapag konsentrayt sa mga bagay na gagawin mo kaya ang mangyayari ay kakain ka ng paunti-unti ng hindi mo namamalayan na marami na pala ang nakakain mo. Ang almusal ang pangunahing nagbibigay enerhiya sa katawan para sa buo umaga kaya hindi dapat ito ipagpaliban para lamang makapag diyeta.

3. Low fat diet

Dahil sa paniniwala na ang pagkain ng matataba ay nakakataba madalas nakakaligtaan na hindi lamang ang fats ang nakakataba kung hindi ang pagkain ng sobra-sobrang kaloriya. Ang taba or fats ay nagbibigay ng 9 kaloriya bawat gramo, dinudoble ang kaloriya ng carbs at protina, ngunit huwag kalilimutan na kapag sumobra ang carbs at protina kahit wala ka ng kinaing taba ay tataba ka parin dahil ang sobrang kaloriya kahit saan man nag mula ay magiging storage energy na mas kilala sa tawag na taba.

4. Madalas na pag inum

Ang pag-inum bago kumain ay nakakatulong upang mabawasan ang kaloriyang kinakain sa kadahilanang agad ka mabubusog ngunit huwag kalilimutan na tubig lamang ang maiinum na walang kaloriya, ang isang baso ng juice ay mayroong 20 kaloriya at ang isang baso ng softdinks ay may 100 kaloriya kaya ang madalas na pag inum nito ay nakakataba. Upang mabawasan ang kaloriyang kinakain uminum ng tubig bago kumain, basahin ang food label kung ilang kaloriya meron ang bawat inumin upang maiwasan ang pag bawi ng kaloriya sa hindi  pagkain ng kaloriya mula saiyong iniinum.

5. Fast food

Sa panahon ngayon ang bawat oras ang importante kung kaya madalas mas pinipiling kumain na lamang sa labas o sa mga fast food chain. Hindi man halata, ang mga pakain sa mga fast food chain kahit maliliit ang serving ay matataas sa kaloriya at asin kung kaya, kahit maliit lamang ang kinakain mo kung kadalasan naman ay fast food ay mananatili ka paring mataba. Iwasan ang fast food, hangat maaring kumain ng lutong bahay at panatiliing balance ang go, grow at glow foods sa bawat hainan.

6. Madalas na pagtimbang

Ang pagbabawas ng timbang, tulad ng pagtaba, ay kinakailangan ng panahon bago umipikto, ang araw-araw na pagtingin kung mayroong nagbago saiyong timbang ay maaring makadisapoynt sa iyong pagdiyediyeta, ang resulta agad-agad kang sususko hangang sa lalo kang tumaba. Ang tamang pagbabawas ng timbang ay ang pagbawas ng 1 pound lamang sa isang lingo, huwag epresure ang sarili na makapagbawas ng 5 kilo sa isang lingo, ito ay imposible at kung nangyari man ay makakasama sa katawan mo. Matagal-tagal bago makita ang resulta sa pangangatawan kaya huwag mawalan ng pag-asa, laging iisipin na ang kapalit ng lahat ng pagsisikap mo saiyong pagpapapayat ay higit pa sa lahat ng sakripisyo mo ngayon

7. Hindi pag-eehersisyo

Madalas iniisip natin na ang hindi pagkain ay tama na upang makapagbawas ng timbang-ito ay walang katutuhanan. Ang hindi pag-eehersisyo ay ang dahilan kung bakit nagiging losyang ang ibang matatabang pumayat dahil sa pagdiyediyeta, laing iisipin na ang pag-eehersisyo ay tmotulong upang mahubog muli sa dati ang pangangatawan mo.

Ang 7 ito ay ilan lamang sa mga pagkakamaling ginagawa ng mga matataba upang pumayat dahil sa mga maling paniniwala. Tandaan, ang tamang pagpapayat ay binubuo ng tamang nutrisyon at sapat na pag ehehesisyo at hindi ng kung ano-ano.