Mga Pagkaing Dapat Iwasan

Kung magdidiyeta ka di maiiwasang meron mga pagkaing papasok sa listahan ng di-dapat kainin. Ito ay yung mga pagkaing mayaman sa kaloriya/ tamis/alat at iba pang sustansyang di-kailangan. Kaya ang mga pagkaing nakalista sa susunod ay dapat mong iwasan pero hindi ipinagbabawal. Ang salitang “hindi kailanman” ay negatibong salita na di dapat isali sa pagdidiyeta. Kakainin mo parin subalit paminsa-minsan lang:

Kung madalas kang umiinom, ngayon kailangan mong magdahan-dahan. Isang 12 oz. na beer sa 1 araw, makakadagdag ng kalahating kilo sa timbang sa loob ng 1 linggo kung di mag-eehersisyo.

100 gramo ng karne ng baka ay may taglay na 167 kaloriyas ngunit ang 100 gramo ng kintsay ay may 16-17 kaloriyas. Saan dito ang gusto mong ihain para manatiling busog ngunit malusog? Syempre pipiliin mo ang kintsay, dahil ang karne ay nagtataglay ng mga tabang mamad.

Hindi rin malayo ang keyk kung bilang ng kaloriyas ang pag-uusapan. Ang karaniwang hiwa ng keyk ay nagtataglay ng mahigit 360 kaloriyas na kadalasang galing sa taba. Maski sinasabing fat-free na keyk nagtataglay pa din ito ng 240 kaloriyas.
Iwasan ang mga snack bar. Nagtataglay to ng maraming kaloriya kumpara sa beer.

Potato chips ay laging maalat at mataba. 10 piraso ng potato chips ay nagbibigay ng 100 kaloriyas.

Karne na sausages ay kadalasang pinaghalo na mga di-kinakailangang karne at maaraming taba. Mabuting alternatibo ay sausages na gulay.

Isang piraso ng karaniwang glazed donut ay mas maraning kaloriya kesa sa 1 lata ng beer, 240 kaloriyas.
Ang kabuuan ng itlog ay dapat iwasan. Karamihan ng kaloriya at kolesterol ay makukuha sa pula ng itlog. Ang puti ay mababa sa kolesterol at kaloriya. Ngunit kadalasang pagkain na may itlog ay kasali rin ang pula sa pagluto. Kaya kung ikaw ay magluluto ng itlog sa bahay, subukang laktawan ang pula nito.

Ice cream ay kilala sa mataas na kaloriya. Halos lahat ng ice cream ay gawa sa full cream na gatas na pangunang dahilan sa mataas na kaloriya.

Hindi lahat ng mani ay pareho. Ang iba ay mabuti sa’yong pagdidiyeta, habang ang iba ay balot sa maraming kaloriya. Kaya suriing mabuti muna bago kumain ng mani.

read more in the next chapter…

Share Button