Prutas at Gulay! Mabilisang Solusyon sa Pagpapayat

gulay prutas

Ang mga Prutas at Gulay ay mayroong fiber na siyang tumotulongsa ating bituka upang mabuo ang dumi ng maging madali ang pagbabawas kung kaya binibigyan ng gulay at prutas ang mga taong constipated yung taong nahihirapang magbawas. Ang fiber rin ang siyang kinakain ng mga likas na bakterya sa bituka upang makagawa at makakuha ng bitamina at mineral mula sa pagkain. Liban sa gawaing ito, ang fiber rin ay nakakapababa ng cholesterol sa ating katawan, isinasama ng fiber ang cholesterol mula sa pagkain palabas ng katawan. Dahil sa kakayaahang ito ang fiber ay ginagamit sa kakayahan nitong tumolong sa pagpapayat.

Ang prutas, tulad ng gulay ay may fiber. Ang fiber ay may dalawang uri, yung natutunaw sa tubig at yung hindi natutunaw sa tubig. Ang prutas ay may maraming fiber na natutunaw sa tubig kaya ito ay ginagamit sa pag gawa ng jelly tulad ng guava jelly. Ang isang serving ng prutas ay may 40 calories o enerjiya ito ay kukunti lang ngunit nakakabusog na kaya ito ay nakakatulong sa pagpapapayat. Ngunit ang mga tao may diabetes ay nilimitahang kumain ng tatlong prutas kadaaraw dahil sa asukal nito.

Kung ang prutas ay may maraming fiber na natutunaw sa tubig, ang gulay naman ay ang kabaliktaran nito. Ang gulay ay may mga fiber na hindi madaling tunawin kinakailang ng maraming enerhiya bago ito matunaw kaya kapag kumain ka ng gulay hindi ka pa nakakapag-ehersisyo ay nagagamit muna ang iyong enerhiya sa pagtunaw ng fiber sa gulay, ang resulta papayat ka. Maliban sa enerhiya na kinakailangan para matunaw ang ilang bahagi ng fiber ng gulay, ang gulay rin ay nakabigay ng bigat sa pagkain kaya kukunti palang ang nakakain mo pakiramdam mo ay busog kana. Kung ang prutas ay nakabigay ng 40 calories sa isang serving ang gulay ay nakakapag bigay lamang ng 16 calories sa isang tasa, kukunti lang ang nakukuha mong enerhiya mula dito habang maraming enerhiya ang kinakailangan para tunawin ito kaya ito ang pinaka mabisang solusyon sa pagpapayat kung kukunti lang ang panahon para magehersisyo. Kahit na malaki ang nababawas na enerhiya kapag kumain ka ng gulay huwag kalilimutan na kailangan paring magehersisyo 30 minuto araw-araw para sa kalusogan ng katawan.

Ang pagkain ng prutas at gulay limang beses araw-araw ay sinusuportahan ng 5 a day campaign dahil sa kakayahan nitong magpapayat at pagpalakas ng katawan laban sa sakit. Kaya kung gusto mong pumayat kumain ng prutas at gulay kasabay ng iyong pagkain at sabayan ng pag-eehersisyo ng mas bumilis ang pagpapapayat mo.