Ang paborito kong tuntunin Merienda

merienda sa trabaho

Sino nga ba ang hindi nakakaalam sa pinakapaboritong subjek ng mga bata? Lahat tayo ay dumaan dito at kahit tumatanda na ay kinahihiligan natin to, ano pa nga ba? Tumpak! Tama ang sagot mo ang pinakaboritong subject ng lahat ng Pilipino kung tawagin ay Merienda.

Marami sa atin ang mahilig kumain ng pakunti-kunti lang ang importate ay ang matikman nating ang masarap na turon, bananaque, inihaw na saging, kwek-kwek, hotcake, pisbol, toknining, at marami pang iba samahan mo pa ng buko juice, samalamig at halo-halo. Ito ay ang kadalasang kinakain natin tuwing merienda na tinatawag na “Street Food” mga pagkaing nakikita sa labas ng paaralan, trabaho at kahit sa labas ng simbahan. Minsan ng nagging bali-balita na ang mga pagkaing ito ay madumi, may halong kemikal o kaya naman ay nakakasakit ng tyan, marami na ang nagkasakit ng hepatitis dahil sa hilig sa street food. Ang street food ay hindi nakakasama sa katawa sigurohin lamang na malinis ang pagkagawa at pagkaluto nito. Kung ikaw ay nanatatakot pwede mo itong lutoin sa luob ng pamamahay mo.

Sa pagkahilig natin sa merienda nalilimutan nating isipin kung nakakabuti pa ba sa katawan ang ating kinakain, lagging iisipin walang masamang pagkain ang masama ay ang sobra-sobrang pagkain o ang pabalik-balik na uri ng pagkain. Upang manatiling masigla ang ating katawan at mainjoy ang ating merienda bigyan nating ito ng buhay, panibagong lasa at masustansya.

Ang bananaque ang pinakakilala sa lahat, ito ay mura, madaling gawin at masarap. Pwede itong lutoin ng buo, pinipiraso, ang kung minsa ay ginagawang turon, binabalot ng pangbalot ng lumpiya na may kasamang langka. Kasama ng babaque ang kamoteque. Upang ito ay malagyan ng buhay ang saging ay hiwain ng pabilog, patuyuin sa init ng araw, at saka ito pritohin na may asukal, at tawag didto ay banana chips. Kung gusto mo naman ng cake pwede mo itong gamitin upang makagawa ng banana cake at kung ano-ano pa. Ang saging ay maraming potassium na kinakailangan na katawan para panatilihin ang balansi nito.

Kung ikaw ay mahilig sa kwek-kwek at tuknining, palaging iisipin na ang itlog ay mataas sa cholesterol kaya dapat hindi sumobra sa tatlong pirasong itlog ang kinakain sa luob ng isang lingo. Gumamit ng anato para bigyan ito ng kulay, ang anato o atsuwete ay ligtas sa katawan at mura hindi katulad ng ibang food coloring.

Kung ikaw naman ay mahilig sa hotcake pwede mo itong dagdagan ng karot para mgkakulay at magkaruon ng mataas na na bitamina A na nagpapaganda ng kutis, ang karut ay kudkurin ng mabuti bago ihalo sa harina at gawing hotcake. Pwede rin itong gawing cake at ito ang tinatawag na karot cake.

Kung ang hilig mo naman ay pisbol patutohanan mo ang pangalan nito. Lagyan ng hinimay na laman ng isada ang batter bago lutoin ng ito ay mgkaruon ng masarap na lasa at magkaruon ng magandang klasi ng protena.

Sa mainit na panahon napakasarap uminom ng malamig na tubig upang ibsan an gating uhaw. Ang isang litro pack ng juice ang may kakaunting sustansiya lamang. upang ito ay maging masustansya pakuloan ang talbos ng kamote, ang tubig na ginamit dito ang siyang gamitin upang makapagtimpla ng juice. Ang dahon ng kamote ay maraming antioxidant na siyang nakakapigil sa pagkalat ng stress sa ating katawan.

Siyempre naman hindi pwedeng kaligtaan ang sikat na fruit shake at ilan sa mga halimbawa nito ay ang mago shake at avocado shake. Ang manga ay mataas sa fiber na siyang tumotulong upang maging mas madali ang magbawas habang ang avocado naman ay may mataas na monounsaturated fats o good fats na ngbibigay enerheya sa katawan.

Ito ay ilan lamang sa mga paboritong kinakain nating mga Pilipino tuwing merienda. Lagging iisipin na dapat nating isauna ang sustansyang maari nating makuha sa pagkain bago ang lasa at presyo nito. Ang pagtitipid ay dapat na itimbang sa sustansyang makukuha, babala mas mahal ang magkasakit kaysa ksa kumain ng masustansya.

Ang mga paborito nating pagkain ang pwede nating dag-dagan ng sustansya, hayaang an gating imahinasyon na magisip ng mga bagong pamaraan sa pagluluto at mga bagong sangkap na ihahalo.

Hindi lamang ang mga bata ang mahilig sa merienda kahit tayong matatanda ay mahilig nito kaya dapat nating isipin na panatilihing masustansya ang pagkaing kinakain nating ng masuportahan ng ating katawan ang ang mga proseso saluob nito. Kumain ng tama at sapat na manatiling malusog ang katawan.

Share Button