Pagkaing may Negative Calorie – Ano Ang Mga Ito

Negative Calorie

Naghahanap ka ba ng listahan ng mga pagkaing may negative calorie?

Ito ang mga pagkain na kumukonsumo ng mas maraming enerhiya upang ubusin,  kaysa sa makukuhang kaloriya sa mga ito. Kaya naman masmadaling maunawaan kung bakit ang sinuman na gustong mangayayat ay gusto ang mga ganitong uri ng mga pagkain.

Narito ang isang maikling  listahan ng mga pagkaing may negative calorie – magugulat ka sa ilan sa mga ito:

Kintsay, Ubas, Pakwan, Litsugas, Kuliplor (Cauliflower),

Dalandan, Mansanas, Strawberries, Kamatis, Pipino, Aprikot,

Zucchini, Tangerines, Karot, Sili

Ang iba pang magandang bagay tungkol sa mga pagkaing may negative calorie tulad ng nasa listahan sa itaas, ay gumagamit ito ng mga kaloriya mula sa iba pang bahagi na mapagkukunan sa iyong katawan upang tunawin. Kaya, ang mga pagkaing ito na nakakasunog ng kaloriya ay dapat tiyak mapasama sa anumang plano sa pagpapababa ng timbang.

Isaisip na kapag ang iyong katawan ay naubusan ng enerhiya mula sa pinagkukunan nito, ang susunod na lugar na paghahanapan nito para sa enerhiya ay ang iyong taba. Ito ay isang paraan upang matanggal ang labis na taba sa iyong katawan at ito ay kung paano ang pagkaing may negatibong kaloriya ay makakatulong sa iyo na mabawasan ang timbang at mapanatili ang timbang na maaari mong makamit.

Sa pangkalahatan, ang mga pagkaing may negative calorie ay nagmula sa mga prutas at mga gulay tulad ng nakalista sa itaas. Iba pang halimbawa na kasama ay ang pinya, papaya, peach, honeydew at milong bilog. Ang mga ito ay kapaki-pakinabang dahil sa kanilang mga katangiang may negative calorie at dahil sila ay may matibay na katangian sa pantanggal lason. Kabilang din ang iba pang mga gulay tulad ng brokuli, mongo, asparagus at karot. Ang kintsay ay karapat-dapat dahil 10% lamang ng  ang kinakailangan upang tunawin ang gulay na ito, kaya ang natitirang 90% ay mapupunta mula sa ibang lugar, tulad ng iyong mga taba.

Upang makamtan ang pinakamagandang resulta mula sa mga pagkaing ito, tandaan na ihalili ang pagkain ng mga ito sa iba pang mga masustansyang protina, carbohydrates, produktong may sangkap na trigo at mga naglalaman ng maraming hibla.

Habang nasisiyahan ka sa pagkain nito pansamantala, huwag mong sobrahan dahil baka ikaw ay magsawa. Pumili ng isa o dalawa sa isang araw na panghalili tanghalian, hapunan o miryenda. Isang diyeta na limitado sa pagkain ay maaaring humantong sa malnutrisyon. Gayunpaman, pagdating sa ulit miryenda, ang mga pagpipiliang ito ay talagang panalo.

Tandaan din na ang pagkabawas ng timbang ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang iyong kinakain o hindi kinakain. Isa pang mahalagang susi sa pagbabawas ng timbang ay regular na aktibidad. Ang bahaging ito ang tumatakot sa maraming tao dahil nakikita nila ang kanilang sariling mag-enroll sa isang gym o tumatakbo isang oras araw-araw.

Ang regular na aktibidad ay dapat isang bagay na maaari mong mapanatili sa kabuuan ng iyong buhay na iyong kahihiligan (o, ang pinaka-huling kasindak-sindak mong gagawin). Gayundin, ang regular ay hindi nangangahulugan na “araw-araw”. Ibig sabihin nito “hindi nagbabago”. Isang madaling uri ng regular na ehersisyo ay paglalakad. Ang paglalakad ng 20 hanggang 30 minuto ng tatlo hanggang apat na beses sa bawat linggo ay itinuturing na regular na aktibidad.

Sa pagsasama ng listahan ng mga pagkaing may negatibong kaloriya sa isang malusog, balanseng diyeta at hindi nagbabagong aktibidad ay makakamit ang iyong ninanais na timbang.

Share Button