Sopas na repolyo – Magbawas ng 10 libra sa loob ng 7 araw

Sopas na Repolyo

Nais kong banggitin sa inyo ang mabubuti at hindi mabubuting impormasyon patungkol sa popular na uri ng diyeta ang Sopas na Repolyo “diet review”. Ayon sa plano, kainin ang sopas at iba pang pagkain hanggang sa makakaya, sa loob ng itinakdang mga araw. Ito ay pitong araw na plano at ayon sa mga may-akda nito, ang timbang ay mababawasan ng hanggang 10 libra sa loob ng 7 araw.

Una, kailangan mong gumawa ng maraming sopas sa isang malaking palayok o kahit aning malulutoan. Ang recipeng ito ay makakagawa ng para sa 12 katao. Marahil gagawa ka ng 2 hanggang sa 3 palayok sa loob ng 7 araw na pagdidiyeta.

  • 6 malalaking berdeng sibuyas
  • 2 berdeng sili
  • 1 o 2 lata ng kamatis ( buo o hinimay)
  • 3 carrots
  • 1 lata ng kabute (10 onsas)
  • 1 bigkis ng kintsay
  • kalahati ng isang repolyo
  • 1 pakete ng soup seasoning mix
  • 1 o 2 knorr cubes (optional)
  • 1 48 oz na lata- katas ng gulay (optional)
  • kung ang katas ng gulay ay hindi ginamit, maglagay lang ng 12 tasang tubig.

Gisahin ang sibuyas, at alisin ang mga buto ng berdeng sili. Pakuluan ang lahat-lahat sa loob ng 2 oras. Ilagay sa refrigerator at sa tuwing nagugutom, initin lang muli bago kainin. Ang reciping ito ay panimula lamang ng sopas diyeta upang sunugin ang mga taba sa loob ng katawan.

Araw 1  lahat ng prutas na gustong kainin maliban sa saging.

Araw 2  lahat ng gulay na nais mong kainin at isang malaking pinakuluan na patatas na may margarine.

Araw 3  lahat ng prutas at gulay na gusto mong kainin maliban sa saging at patatas.

Araw 4  saging at walang kremang gatas kasama ang sopas.

Araw 5  16 na onsang karne ng baka at hindi hihigit sa anim na kamatis.

Araw 6  2 hanggang 3 hiniwang karne at lahat ng gulay na gusto mong kainin. Walang patatas.

Araw 7  kanin, kats ng prutas na hindi matamis at mga gulay.

 

May dalawang bagay ana makapag-ambag sa programang ito upang ito ay maging kaakit-akit:

  • Tunay na mababawasan ang timbang kung susundin ang lahat ng mga kinakailangang sundin ayon sa plano.
  • Hindi mararansan ang magutom dahil maari mong kainin ang inihandang spas hangga’t gusto mo. Maaring ang gana mo sa sopas ay mawawala ngunit hindi ka na rin magugutom hangga’t sinusunod mo ang plano.

Ang negatibong bahagi ng programa ay doble:

  • ang diyetang ito ay nakakabagot. Marami ang nagsasabi na ang kumain ng regular na pagkain ay mas suabe.
  • Ang diyetang ito ay may mas mababang kaloriya, nangangahulogang na ang diyetang ito ay hindi makapagbigay ng pangmatagalang sustento sa katawan. Katunayan, kahit ang mga taong nag-eendorso ng Sopas na repolyo ay nagrerekomenda na gawin ang pagdidiyeta sa loob ng isang linggo, tapos, pahinga sa susunod na isang linggo, bago umpisahan muli ang susunod na pagdidiyeta.

Ang kaloriya na karaniwang nakukuha sa pagdidiyeta ay 900 kilos-calories. Ito ay hindi sapat para masustentohan ang katawan upang makapagpatuloy sa ating nakaugaliang gawain. Kaya naman kailangan kang magsunog ng taba, at ito talaga ang nararapat. Kaya lang, kung ipagpapatuloy ito sa loob ng mahigit isang linggo, mag-uumpisang manghina ang metabolismo ng katawan, at mababawasan ang epekto ng iyong pagsusunog ng taba.

Bilang karagdagan, ang pagbabawas ng timbang gamit ang Sopas na Repolyo ay dahil sa prosesong pagpapalabas ng tubig mula sa loob ng katawan.

 

Share Button