Saba banana diet

Saging na Saba Diet Benefits

(Find out more about the original at Morning Banana Diet.com)

Ayon sa pag-aaral, ang pagkain ng saging na saba o anumang iba pang uri (sariwa, hindi luto at hindi frozen) at pag-inom ng tubig (normal na temperatura o maligamgam) sa almusal ay makatutulong upang mabawasan ang timbang anuman ang kainin mo sa buong mag-araw.

Ito ay ang tinatawag na Saging na Saba Diet

Ang dyetang ito ay simple at madaling matugunan para sa ating mga pinoy dahil sagana tayo sa saging, lalong-lalo ng ng saging na saba.

Isa sa mga dahilan na ang Banana Diet ay epektibo ay dahil ang saging ay nagpapabuti at nagpapalakas ng metabolismo,mataas sa lumalaban na almirol(resistant starch)na siyang uri ng fiber na magpaparamdam sa tao na busog na ngunit hinaharangan ang pagpasok ng di-kailangang carbohydrates sa katawan.

Kung may kinalaman naman sa pag-inom ng maligamgam na tubig, hindi tiyak ang dahilan ngunit marami ang nagsasabing ito ay nagpapasulong ng pantunaw o di naman kayaý nagpapabagal ng pagkagutom.

Mas mainam rin na maghapunan bago mag-8pm at umiwas sa dessert matapos maghapunan. kung nakakaramdam ka ng gutom, mas mabuting kumain na lang ng prutas.Bukod diyan, isa sa mga patakaran ng pagdidiyeta ay ang pagtulog ng maaga (bago maghating-gabi)dahil pinapakita ng pag-aaral na may kinalaman ang labis na katabaan at pag-agaw ng tulog.Hindi rin mabuti sa Banana Diet ang Dairy products at alak, tanging tubig lamang na nasa normal na temperatura o maligamgam na tubig ang maaari.

Kalamangan ng Banana Diet

  • Ang regular na pagkain ng agahan ay nakakatulong upang umunlad ang metabolismo at bawasan ang posibilidad ng sobrang pagkain sa buong mag-araw.
  • Ang pag-iwas sa Caffeine sa agahan ay tutulong na ma-stable ang glucose level sa dugo at mabawasan ang gana sa pagkain.
  • Ang paghahapunan bago mag 8pm ay makakatulong na maiwasan ang Late Night Snack sa mga pagkaing mataas sa Calorie.
  • Ang pag-iwas sa mga produktong gawa sa gatas at desserts ay makakatulong na mabawasan ang calories sa katawan sa pamamagitan ng paglilimita ng paggamit ng taba at asukal.
  • Ang saging ay pagkaing pampalusog, mataas sa fiber,vit.B6 at C at mayaman sa potassium.
  • Pumipigil sa sobrang pagkain.

Problema sa Banana Diet

  • May ilang nagdidyeta na mahina ang pagtugon ng katawan sa purong Carbohydrate na almusal lalo na sa mga may Hypoglycemia.
  • Madali para sa mga nagdidyeta na ubusin ang labis na calories kung kakain sila ng anumang nais nila sa tanghalian at hapunan.
  • Hindi hinihikayat ang ehersisyo.
  • Hindi tinutugunan ang psychological factors na kasali sa pagdidyeta.

Konklusyon

Kung nagtagumpay ka sa diyetang ito, marahil ay hindi dahil sa katangian ng saging na sumunog ng taba sa katawan,kundi malamang na may kaugnayan ito sa pagsunod mo sa iba pang patakaran ng diyeta tulad ng pagkain sa tamang oras at pag-iwas sa desserts.

Bilang resulta, mababawasan ang calories sa katawan at bababá ang timbang na siyang ninanais ng karamihan hangga´t sinusunod ang Banana Diet at pag-iwas sa labis na calories sa iba pang mga kinakain.

6 comments

  1. Hi there, I found your website via Google at the same time as searching for a related topic, your web site got
    here up, it looks good. I have bookmarked it in my google bookmarks.

    I found that it is truly informative.
    I am gonna watch out for brussels. I will be grateful for those who proceed
    this in future. Lots of other people can be benefited out of your
    writing. Cheers!

  2. My spouse and I absolutely love your blog and find almost all
    of your post’s to be exactly I’m looking for. Does one offer guest writers to write content to suit your needs?
    I wouldn’t mind writing a post or elaborating on many of the subjects you write regarding here. Again, awesome weblog!

  3. Oh my goodness! Awesome article dude! Thank you, However I am having problems with your RSS.
    I don’t know why I can’t join it. Is there anyone else
    having the same RSS issues? Anybody who knows the answer can
    you kindly respond? Thanx!!

  4. I would like to thank you for the efforts you’ve put in writing this blog. I am hoping to check out the same high-grade content from you later on as well. In fact, your creative writing abilities has encouraged me to get my own, personal website now ;)

  5. Wonderful, what a web site it is! This weblog presents helpful data to us, keep it up.

  6. Hi! I just want to offer you a big thumbs up for the great information you have got
    right here on this post. I will be coming back to your website for more soon.